Ang natatandaan ko nung august 9 naramdaman ko nanamang maging masaya na parang wala nang katapusan ung prang nalalaglagan ka ng rosas sa paligid.-isa sa paborito kong pakiramdam. Happiness na noon ko nanaman naramdaman after a long time, huli ko yatang naramdaman un eh nung naka graduate ako ng college akala ko kse di ko maachieve mag march sa PICC dahil sa sobrang katamaran. At nung nag girl talk kami ng nanay ko nang mahuli nya akong nagyoyosi at umiinom ng alak sa loob ng pamamamahay nya na mahigpit nyang ipinag babawal. Tanda ko panun sabi nya mamalengke cla ng tatay ko sa kapatagan so inisip ko magtatagal pa cla dahil pag namalenge cla parang lging me pyiesta, sa maikli oras na un naisip naming mag house party ng friends ko, nilabas ko ang katago tagong kong DJ mix-strawberry at ung jack Daniel at san mig ng tatay ko. Payabangan pa kami ng mga trick sa pag yoyosi at labanan sa bottoms up ng biglang dumating nanay at tatay ko sabi nya parang amoy albatros daw ung sala namin sa sobrang taranta ko inipit ko ung yosi sa magazine na nakakalat sa munti nming sala. At ngmadali kming nag umalis ng bahay, tawanan pa kmi- sabay bidahan na galing tlga natin! Di tayo nahuli! Pag uwi ko ng bahay sinalubong ako ng nanay ko para sabihin nalate lng daw ako ng dating sana daw nasakisihan ko na muntikan ng maging abo ang kubo namin. Nuon ako kinausap ng nanay ko na bakit daw ako nag bibisyo? Kung me problema daw ba ako o kung me pag kukulang daw ba cla bilang magulang. Sabi ko wla, gusto ko lng tlgang makatikim ng DJ mix kse lasang kendi- bakit di nalng daw ako diretsong mag kendi??Pero dahil likas na maunawain at mapagmahal ng nanay ko na sya ko namng minanaJ, eh meron kaming kasunduan na papayagan lng nya akong uminom ng legal pag ka graduate ko ng kolehiyo pero ang batas sa pagyoyosi eh hindi aprubado ng senado, khit yta makapag tapos ko bilang cumlaude! Hindi uubra.
Pero, nag iba nanaman yata galaw ng bituin, bago matapos ang araw ng August 9 eh umuwi rin akong malungkot…sobrang lungkot. August 13 na ngayon at ang dipa rin napapawi ang nararamdaman kong lungkot nun a nuebe. Nakakagulat, kse inakala ko sa dhil tumanda nako eh tumaas narin ang recovery rate ko-at napatunayan ko na un sa nakaraming pagkakataon. Subalit ngayon nag kamali ako..umuwi akong, sobrang masama ang loob, as usual talo nanaman ako- kelan ba naman akong nanalo? Never, at milagrong mangyaring manalo ako, kase Mas tanga ako.
Pag uwi ko binuksan ko agad ang laptop ko dahil mag bablog ako, dahil alam ko kakampi ko ang blog ko! Kaya lng di pa ako nangangalahati sa pagsusulat ay diko na tinuloy bukod sa natutuluan na nga luha ang keyboard ,sumasabay pagtulo ng sipon ko. Pinasya kong manood ng TFC. Ang palabas wowowee, sinubukan kong panoorin no choice eh, first time kong nakapanood nung pa contest na ms. Fitrum, Ang gaganda ng mga contestant!(buti pa cla,)J, me Q/A portion at ang mga tanong ni willie ay umiikot lng sa pakikipag relasyon ng mga babae sa lalake. Lalo lng akong na depress, nilipat ko sa cinema one, ang palabas shake rattle and roll, ung ke ai ai, tungkol sa poso yta un(hindi ako nananood ng horror!buti pa sana kung my kuya’s wedding yun! Di ako mag sasawa khit 3x a week kong natityempuhan), nakadagdag lng sa lungkot ko ang mga palabas sa tv. gusto ko ng maligo. Kailangan kong mag OFURO BATH!(ito lng ang nakakatanggal ng depression ko!) wala akong panahong mag paka kikay at magbubble bath dhil hindi ako Masaya. Dinala ko ang radio sa cr pagkabukas ko na ground pako ng slyt dhil nakalublub na ung isa kong paa sa bath tub(brainy tlga ako), di ko un iniinda kase mas matindi ang kirot na nararamdaman ng puso ko ngayon. Pinihit ko uli sa pinoy radio station. Mejo gumagaan na ang pakiramdam ko sa dulot ng ofuro at habang nag aagaw tulog ako naririnig ko ng mahinang pagkanta ni whitney Houston “Didn’t we almost have it all… When love was all we had worth giving? The ride with you was worth the fall my friend… loving you makes life worth living”. Diko napigilang humagulgol, , bumaha ng luha sa bath tub na muntikan kopang ikalunod. (binigo ako ng ofuro for the first time!) Switch off ko sana ang radio sa sobrang sama ng loob kaya ayokong maparalisa ng tuluyan. Pag katapos maligo, bumalik kao sa laptop at nag basa ng archive para lng humagulgol uli, this time halos ikamatay ko na tlga ang pag iyak, kse pakiramdam ko its so unfair!…
Bumalik kao sa harapan ng tv, PDA naman, di ko nasusundan ung palabas na un, kahit mejo lito ,pinanood ko parin ,pinapakita ang eksena ni cris at zen? Nag nag kasamaan ng loob at nag ka confrontation, c cris iyak ng iyak at sorry ng sorry ke zen at hinangaan ko tlga ang pagkatao ni zen kse nagawan sya nang pag kakamali ni cris at of all people hindi nya naimagine na c cris ang gagawa nun. Ewan ko diko alam ang problema nila pero isa lang ang tumatak sa isip ko ung sinabi ni Hansen na masama ang loob nya-karapatan nya un pero hindi nya pinuputol ang kung anong meron cla ni cris. Swerte ni cris dahil natapat sya sa lalaking mapag patawad. ..(bakit ako hindi?L) tumawag sila luscious friends ( naramdaman daw na lonely mode ako ngayon kaya me surpresa cla sakin). Dali dali akong pumunta dun, dina ako nag palit ng damit kemerese di naman ako kaakit akit,nakapantulog nakong bumaba at cgurado ako nlng ang gsing ng dis oras na un kaya malakas ang loob ko , pag bukas ng elevator me 3 kabayan na lalake.musta naman!( desente ang pantulog ko tank top at pajama.( dangan nga lng, me nakatatak sa likuran ng pajama na bite me..yay!)Pag dating kila luscious friends inilatag na ang surpresa…

Pero hindi kinaya ng alak ang sakit na nararamdaman ko, gusto ko kong kumuha ng earliest flight pauwi ng pinas!!!
Pagpasok ko kaninang umaga maayos ang damit ko at hindi ako late—kase dipa ako natutulog. mabigat parin ang pakiramdam ko, Na de dehydrate nako sa kakaiyak ng ilang magdamag… di ko alam kung kelan to matatapos? tanging guardian angel ko ang makakapagsabi—kung hindi cla mag kakampi ngayon.L
30 minutes nalng uuwi nako…goodluck sakin, mag damag nanamn akong gicing…mag ko cross stitch nalang ako.L